^

PSN Showbiz

MMFF dinagsa ng scripts para sa pasko

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Thirty nine script submission for 4 slots para sa initial official entries ng 50th Metro Manila Film Festival.

Exciting di ba? The best of the best!

Two max per film genre!

July 1 ang target announcement ng makakapasa sa panlasa ng MMFF Selection Committee.

Buhay na buhay na naman ang pelikulang Filipino. Salamat sa MMFF!

Sana kahit sa regular na araw, ganito rin kasigla. Paano nga ba?

Alden, Joross at Jeffrey, nakabalik na sa Pinas

Nakabalik na sa Pinas sina Alden Richards, Joross Gamboa at Jeffrey Tam mula sa kanilang shoot sa Hong Kong sa bagong Hello Love Again.

Grabe ang bonding ng tatlong itlog na talagang sanggang dikit sila. Ang tanong, magkakasama pa rin ba sila sa Canada?

Sinu-sino ang mga bagong characters sa bagong buhay at trabaho ni Kathryn doon?

Sobra ang pagkaexcite ng mga tao na sana kasing dami o mas marami pang taong manood katulad ng sa Inside Out 2 na talaga namang napakalakas ngayon!

Go go go local films!!! Sana magawa ng Hello Love Again ang hindi pa nagagawa ng mga bagong pelikulang Pinoy na na release ngayong 2024.

Derek, bitin ang pasabog

“Can’t wait! Alam mo na? LOL” Ito ang pinost ni Derek Ramsay recently na labis na kinapanabikan ng mga netizen.

Nagdadalangtao na ba talaga si Ellen? Ilang buwan? Talaga bang alam na?

Sana masaya at maayos at walang komplikasyon ang pinagdaraanan nila bilang mag-asawa.

Long overdue na ito - at masaya ang tao kung anuman itong can’t wait na balitang ito!

Teatro, walang bayad sa music rights?

Honest question - sa  teatro ba , nagpapaalam at nagbabayad sa paggamit ng music? Sa Virgin Labfest kasi, ginamit ang Raining In Manila ng Lola Amour at Sa Susunod Na Habangbuhay ng Ben & Ben, wondering ang mga tao kung nagbabayad ba ng rights kapag sa teatro?

Tapos yung Mariang Ina Ko ginamit din sa isang dula na ewan kung ikatutuwa ng hukbo ni Mr Pagsi sa Dulaang Sibol, nagpaalam man lang ba sila at sinabi kung saan ito gagamitin?

Sa pelikula o sa TV kasi, nagbabayad ng rights, sa teatro ba ganun din?

Nakakataquote:

“Maybe Vice Ganda has to pause a bit and remember what it was like to be ordinary. Nung dinadaan-daanan lang siya ng mga biggies. Noong hindi niya alam kung tama ang kanyang hitsura o suot. Noong kailangang tapangan niya ang sarili dahil he was a nobody.” - JoAnn Maglipon, PEP Editor-In-Chief

vuukle comment

FESTIVAL

FILM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with