Jokic inilusot Nuggets sa Pelicans sa overtime

DENVER — Iniskor ni Nikola Jokic ang walo sa kanyang 35 points sa overtime at tumapos na may 15 rebounds at 10 assists para gabayan ang Nuggets sa 141-135 overtime win sa New Orleans Pelicans.
Inilista ni Jokic ang kanyang ika-199 career triple-double sa regular season para pumangalawa kay Russell Westbrook na nagretiro na may 209 career triple-double.
Bumira si Jamal Murray ng 42 points at hinugot ni rookie Trevon Brazille ang pito sa kanyang 17 points sa overtime sa kanyang home debut.
Ang three-pointer ni Brazille sa huling 1:25 minuto sa extra period ang nagbigay sa Nuggets, may 1-1 baraha, ng 133-129 abante na hindi na nila binitawan.
Naglaro ang Denver na wala sina injured Cam Johnson (ankle) at Alpha Diallo (sprained wrist) pati na sina Julian Strawther at Spencer Jones.
Pinamunuan ni Trey Murphy III ang New Orleans sa kanyang 26 points, habang may 22 at tig-17 markers sina Dejounte Murray, Derik Queen at Zion Williamson, ayon sa pagkakasunod.
Nalasap ng Pelicans ang ikatlong sunod na kabiguan sa ilalim ni first-year coach Jamahl Mosley.
Kinuha ng New Orleans ang isang 23-point lead bago nakabangon ang Denver mula kina Jokic at Murray sa fourth quarter para makapuwersa ng overtime.
Sa iba pang laro, pinadapa ng San Antonio Spurs ang Dallas Mavericks, 122-106; panalo ang Charlotte Hornets sa Miami Heat, 115-110; wagi ang Cleveland Cavaliers sa Brooklyn Nets, 125-121; tinalo ng Philadelphia 76ers ang Milwaukee Bucks, 127-116; dinaig ng Washington Wizards ang Chicago Bulls, 124-120; pinapak ng Houston Rockets ang Atlanta Hawks, 121-114; pinatumba ng Denver Nuggets ang New Orleans Pelicans sa overtime, 141-135; at binigo ng Phoenix Suns ang Golden State Warriors, 131-122.
- Latest



















