Mapua itutuloy ang pananalasa kontra Baste
MANILA, Philippines — Markado ang Mapua University sa mga teams na posibleng sumampa sa magic four pagkatapos ng elimination round ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament.
Ito’y dahil sa lumalabas ang bangis ng Mapua matapos irehistro ang five-game winning streak nang kalusin nila ang University of Perpetual Help System DALTA, 65-60 sa huling laro.
Kaya naman tiyak na kakapitan ng Mapua ang momentum para maipagpatuloy ang panggagarote kontra San Sebastian College-Recoletos na lalaruin sa Playtime FilOil Center sa San Juan ngayong araw.
Magsisimula ang girian ng Cardinals at Stags sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College at defending champion San Beda University sa alas-3 ng hapon.
Muling sasandalan ng Intramuros-based squad sa opensa sina Cyrus Cuenco, Yam Concepcion at Marcus Nitura upang mapalakas ang kapit sa No. 3 spot sa Group A.
- Latest


















