^

Probinsiya

4-minutong responde, ipinagmalaki sa ‘One Tap Emergency Alert System’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Maagap na napakinabangan ang programa ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) na “One Tap Emergency Alert System “’ matapos na mabilis na tumugon sa pagbabanta sa isang paaralan sa Barangay Poblacion 38, Infanta Quezon, kama­kalawa ng umaga

Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, nakatanggap umano ng death threat ang isang estudyante ng Infanta National High School sa pamamagitan ng chat o text message.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Infanta Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj. Harold C. Panga­niban at nakarating sila sa loob lamang ng humigit-kumulang sa apat na minuto upang tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante at guro.

Isinasagawa na ang beripikasyon at follow-up investigation upang matukoy ang nagpadala ng mensahe at malaman kung gaano kaseryoso ang banta.

Nakikipag-ugnayan din ang pulisya sa cybercrime unit para matunton ang pinagmulan ng umano’y pagbabanta.

SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with