^

Probinsiya

2 coed tusta sa sunog sa boarding house!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 coed tusta sa sunog sa boarding house!
This photo shows a picture of a fireman trying to extinguish a fire.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang kolehiyala kabilang ang isang nursing student ang nasawi makaraang ma-trap sa sunog sa isang boarding house sa isang residential area sa Brgy. Nazareth, Cagayan de Oro City kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi sa pangalan lamang ng mga itong Sam, 22, anak ng babae ng may-ari ng paupahang boarding house at Cris, 20-anyos, isang nursing student na taga Malaybalay City, Bukidnon.

Sa report ng Cagayan de Oro City Fire Marshal, nangyari ang sunog sa nasabing boarding house dakong alas-6 ng umaga sa Brgy. Nazareth ng nasabing lungsod.

Ang sunog ay mabilis na kumalat na tumupok sa buong boarding house habang nabigo namang mailigtas ang dalawang biktima.

Nagresponde naman ang mga bumbero at narekober ang halos nagmistulang uling na katawan ng mga biktima bandang alas-12:01 ng tanghali. Ang mga ito ay isasailalim sa awtopsiya sa Forensic Unit sa Region 10.

Sa pahayag ng mister na may-ari ng boarding house, ama ng isa sa mga biktima, nagawa namang makatalon sa bintana sa ikalawang palapag ang ilang boarders na nasugatan sa insidente kabilang ang tatlong isinugod sa pagamutan.

Gayunman, ang kaniyang anak at si Cris na narinig pa ng mga kapitbahay ang paghingi ng tulong ay nabigong mailigtas dahilan nababalutan na ng apoy ang buong boarding house.

Sa pahayag ni Cagayan de Oro Fire District Chief Operations Senior Inspector Rey-an­ Donasco, nasa 48 katao ang naapektuhan ng sunog. Apat na kabahayan din ang nadamay sa nangyaring sunog habang sa inisyal na pagtaya ay mahigit P800,000 ang naging pinsala sa insidente.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito upang alamin ang pinagmulan ng sunog.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with