^

Punto Mo

NCRPO, handa na sa Christmas shopping spree!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NANGANGAMOY na ang Pasko kaya’t hinimok ni NCRPO director Brig. Gen. Christopher Abrahano ang publiko na iwasan ang pagdadala ng maraming pera, at mamahaling gadgets, tulad ng celfones, sa matataong lugar. Inaasahan ni Abrahano na dahil magsisiksikan ang mga tao, hindi lang sa malls, kundi maging sa mga mataong lugar, tulad ng Divisoria sa Maynila at sa Baclaran sa Para?que City, siguradong maglilipana rin ang mga holdaper, pang-aagaw ng gamit, salisi, mandurukot at iba pang krimen. “We ask the public to remain alert and avoid displaying valuables unnecessarily. Keep your bags and personal belongings secured, be mindful of your surroundings, and do not easily trust strangers who may attempt to distract you,” saad ni Abrahano. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung sabagay, libu-libong Pinoy ang bumababa at dumadagsa sa shopping malls, flea markets, terminal, at iba pang lugar sa Metro upang bumili ng mga pamasko ng mga anak, kamag-anak at kaibigan para sa Christmas. Bunga sa pagdami ng tao sa Metro, magiging potential target sila ng petty criminals. “As we welcome the Christmas season, we want everyone to enjoy the celebrations safely.,” ani Abrahano. “However, we also remind the public that crowded places can be an opportunity for criminals to commit snatching, salisi, pickpocketing, hold-ups, and other petty crimes,” ang dagdag pa ni Abrahano. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nagbabala naman si Abrahano sa mga kriminal na ‘wag mag-take advantage ng sitwasyon dahil inutusan n’ya ang limang police districts sa Metro Manila na palakasin ang police visibility at patrol operations sa mga mataong lugar. Aniya, ang mga naka-deploy na police ay magreresponde kaagad kapag may manghihingi ng tulong. Inutusan din ni Abrahano ang mga police commanders na makipag-ugnayan sa mga security ng personnel ng malls, market administrators, LGUs at iba pang stakeholders upang higit na mabantayan ang kaligtasan at seguridad ng publiko. Wow na wow!

Hindi lang ‘yan! Maging ang mga magulang at guardian ay pinaalalahanan ni NCRPO chief na bantayang maigi ang kanilang mga anak sa mataong lugar.“Public safety is a shared responsibility. The police will do our part, but we also need the cooperation and vigilance of every individual. Let us look after one another so that the Christmas season will be remembered for celebration, not victimization,” aniya. Abangan!

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with