^

PM Sports

Alas, Ateneo sisimulan na ang kampanya vs UE

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Ateneo de Manila University ang kanilang kampanya sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball na may layunin na bigyang-dangal ang alaala nina Divine Adili at Rene Baterbonia.

Masisilayan ang Blue Eagles na maglalaro ng may isang patch na “DA RB” sa kanilang mga jersey, makikipagtunggali sila sa University of the East ngayong alas-3 ng hapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagkaroon ng nakalulungkot na insidente ang team-building sa Dipaculao, Aurora noong nakaraang Hunyo 8 na kumitil sa buhay nina Adili at Baterbonia matapos nilang malunod sa dagat.

Ngayong araw ng Miyerkules ang 100 araw sapul nang mangyari ang trahedya.

Darating ang mga magulang ni Adili sa Mall of Asia Arena upang manood ng unang laro ng Ateneo laban sa UE na posibleng magdaragdag ng mas emosyonal na antas sa pagbabalik ng Blue Eagles sa kompetisyon.

Determinadong dalhin ng Ateneo ang mga alaala nina Adili at Baterbonia sa kanilang kampanya kaya asahang bahagyang mapapahirapan ang kanilang makakalaban bago sila patumbahin.

“Ever since the accident happened, ‘yun na talaga ang nasa isip nila. To dedicate this year to those guys. Talagang nasa puso nila yun,” ani interim coach Louie Alas.

Sinisimplehan lang muna ni Alas ang kanilang layunin lalo na’t maikling panahon lang sila naghanda.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with