^

PSN Opinyon

Kapit-bisig sa pagtatanim...Amianan livelihood community farm

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang isang asosasyon na sama-sama, tulong-tulong at kapit-bisig sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas sa kanilang komunidad sa San Mateo Rizal.

Ang aking tinutukoy ay ang Amianan Livelihood Community Association, sa pangunguna ng kanilang pangulo ay si Roschelle Panit ng Barangay Pintong Bukawe, San Mateo Rizal.

Ayon kay Roschelle, itinatag nila ang kanilang samahan para sa iisang layunin na makatulong sa food security na isinusulong ng gobyerno.

Aniya, dati ay hiwa-hiwalay silang nagtatanim pero mabagal ang kanilang progreso pero noong sila ay nagsama-sama, naging mabilis ang kanilang mga gawain, nakakapagtanim ng marami at higit na nakilala ang kanilang mga produkto na sariwang ani ng mga gulay, prutas at iba’t ibang rootcrops mula sa bulubunduking lugar ng San Mateo Rizal.

Anim na ektaryang ang pinagtutulung-tulungan na bungkalin at taniman ng grupo ni Roschelle.

Mabilis na rin ang pagbebenta ng kanilang mga produkto at nagkakaroon ng maraming development na farm to farmer road sa kanilang lugar, mula nang itatag nila ang kanilang asosasyon.

“Dati ay hirap kaming ibiyahe at ibaba ng bundok at ibenta ang aming mga ani, pero ngayon ay kusa pa kaming pinupuntahan ng mga trader para bilhin ang aming mga produce,” ani Roschelle.

Ilan sa maramihang tanim ng grupo ni Roschelle ay saging na saba, kamoteng kahoy, luyang dilaw, mga gulay at prutas.

“Pinapakyaw ang aming mga ani. Ang mga bunga ng saging na saba ay hindi pa man hinog ay inaani na dahil ginagawang banana chips, ang mga luyang dilaw ay ginagawang turmeric tea at turmeric powder habang ang kamoteng kahoy ay ginagawa namang suman,” pahayag pa ni Roschelle.

Kung dati ay halos sapat lang ang kanilang kinikita ngayon ay nakakapag-savings pa.

Malugod na nagpapasalamat si Roschelle sa mga taong tumutulong sa kanila sa pangunguna ng Local Government ng San Mateo, partikular si Municipal Agriculturist Officer Incharge na si Alexis Santos na personal at palagiang bumibisita sa kanila para alamin ang kanilang pangangailangan at i-tie-up ang mga aanihin sa tanim sa mga negosyante.

Hindi lamang sa bayan ng San Mateo ibinebenta ang mga ani ng asosasyon bagkus ay sa buong Rizal at Metro Manila.

Hinihikayat ni Roschelle ang lahat na magtanim ng sariling pagkain.

Sa mga gustong bumili ng iba’t ibang produkto na produce ng grupo ni Roschelle ay magpadala lamang po kayo ng mensahe sa kanilang FB page na Amianan Livelihood Community Association.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with