Antonio mapapalaban sa World Senior Chess Championships

MANILA, Philippines — Nakatakdang tumulak Antonio mapapalaban sa World Senior Chess C’ships
si 13-time Philippine Open Chess champion Grandmaster Rogelio ‘Joey’ Antonio Jr. sa 2026 FIDE World Senior Chess Championships (50+ at 65+) na gaganapin mula Nobyembre 2 hanggang 15, 2026 sa Vrnja?ka Banja, Serbia.
Ganado ang 64-anyos na si Antonio na maglaro dahil buo ang suporta sa kanya ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kaya posibleng maganda ang ipakikitang performance ng pambato ng Pilipinas.
Nakaraan lamang ay nakapag-uwi ng limang medalya si Antonio sa 24th ASEAN+ Age-Group Chess Championships na ginanap sa Our Tampines Hub sa Singapore noong Agosto 7–17, 2026.
Nanalo si Antonio ng tatlong gintong medalya sa Standard Team, Blitz Individual, at Blitz Team (kasama sina GM Jayson Gonzales at International Master Angelo Young).
“Masaya akong nag-uwi ng mga medalya. Isang malaking karangalan na muling kumatawan at lumaban para sa watawat ng Pilipinas,” pahayag ni Antonio.
Ang pighaan ng utak sa Singapore ay bahagi ng kanyang paghahanda para sa mas malaking hamon sa Serbia.
Maliban kay Mayor Joy Belmonte, suportado rin nina Quezon City Vice Mayor Gian Sotto at ng Quezon City Sports Development head na si G. Jun Gayoso ang kampanya ni Antonio sa Europa.
- Latest




















