Lassiter inakay Beermen sa panalo
MANILA, Philippines — Kulang-kulang man ang bote sa case ng beer nito, nalasing pa rin ng San Miguel ang Phoenix, 94-89, sa umiinit na PBA On Tour kamakalawa ng gabi sa Capital Arena sa Ilagan City, Isabela.
Pilay ng 8 manlalaro ang Beermen subalit nagawang mabuhat ni Marcio Lassiter tampok ang 30 puntos para sa ikalawang exhibition match ng PBA habang nasa kaligtnaan ng 2 buwang pahinga upang magbigay-daan sa kampanya ng all-PBA Gilas Pilipinas team sa 2026 Achi-Nagoya Asian Games.
Noong Agosto pa huling naglaro ang mga koponan sa PBA Season 50 Governors’ Cup at sa Oktubre 7 pa magbabalik-aksyon kaya nagdaos muna ang PBA ng On Tour upang masigurong walang kalawang ang mga koponan.
At bagama’t kulang ang players, pinatunayan ng SMB na isa pa rin ito sa lider ng 13-team standings kasosyo ang NLEX hawak ang 7-2 kartada kahit pa sa exhibition match lang kontra sa halos kumpletong Phoenix na wala lang sina BJ Johnson at Jason Perkins.
Napurnada ang 17 pts. ni Ricci Rivero para sa Phoenix na may 4-3 karta naman bago ang PBA break.
- Latest




















