Rita at Direk FM, blessed sa kanilang ‘anak’

Blessed ang mag-asawang Rita Avila at Direk FM Reyes na kahit maagang binawi sa kanila ang kanilang kaisa-isang anak na si Elia Jesu Reyes three weeks matapos itong isilang, kinu-consider naman nilang blessing ang pagdating sa kanilang buhay ng kanilang kinu-consider na anak na si Kate Louise Cruz dahil ito ngayon ang nagpapasaya sa kanilang mag-asawa at pumuno sa kanilang nawalang anak.
Ang OPM hitmaker at songwriter na si Jamie Rivera ang nagpakilala sa mag-asawang Direk FM at Rita kay Kate na kahit dalaga na nang ito’y mapunta sa kanila, nagkaroon sila ng instant bonding bilang isang pamilya.
Kapag nasa work si Direk FM, ang ‘mag-inang’ Rita at Kate ang parating magkasama. Si Kate na rin ang nagda-drive sa kanyang mama at siya na rin ang tumatayong road manager at production assistant ni Rita.
Kapag magkakasama ang tatlo ay madalas silang nagkukulitan, kumakain at nagkukuwentuhan tulad ng isang tunay na pamilya.
Vice, walang bakanteng araw sa TV
Araw-araw nang mapapanood on GMA ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda dahil bukod sa daily noontime show na It’s Showtime na napapanood mula Lunes hanggang Sabado, pati araw ng linggo dahil simula ngayong Sept. 13, araw ng linggo sa ganap na ika-13 ng buwang kasalukuyan (September) ay magbabalik-telebisyon ang kanyang top-rating late-night talk show na Gandang Gabi Vice.
Ang dalawang programa na parehong produced ng ABS-CBN and airing on GMA ay labas pa sa ibang program na mapapanood naman sa TV5.
Tama nga ang tinuran ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan or MVP na ang bagong titulo ngayon ni Vice Ganda ay Queen of All Networks.
Bukod sa pagiging reyna sa telebisyon, si Vice ay mapapanood din sa upcoming 2026 Metro Manila Film Festival sa pelikulang The Greatest Showdown na pagbibidahan nila ng kapwa niya box office star, ang veteran TV host, producer, actor-comedian at singer-songwriter na si Vic Sotto na pamamahalaan ng award-winning director-producer na si Jun Robles Lana.
- Latest

























