^

PSN Opinyon

Idiniin ni Marcoleta ang sarili, nahabla (2)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Hinabla ng Ombudsman ng plunder at bribery si Senator Rodante Marcoleta. Ito’y dahil tumanggap umano siya ng P75 milyon mula kina dating kongresista Mike Defensor at mga negosyanteng Joseph Espiritu at Aristotle Viray.

Unang hakbang ng Ombudsman ang paghingi sa San­diganbayan ng precautionary hold departure order para hindi tumalilis ang apat sa ibang bansa.

Plunder o pandarambong ang ilegal na pagpapayaman na hindi bababa sa P50 milyon. Serye o kombinasyon ito ng iba pang mga krimen, tulad ng panunuhol, pamemeke ng sinumpaang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth, at ‘di paglahad ng kontribusyon sa halalan. Ikatlong elemento ng plunder ang personal na pakikinabang. Hindi kailangang perang pampubliko ang dinambong.

Philippine Star File Photo

Walang piyansa ang pandarambong. Suspendido sa posisyon at ipinipiit ang mga akusado habang nililitis.

Inamin ni Marcoleta ang pagtanggap ng pera sa inter­biyu ni Nelson Lubao ng Net25 nu’ng Nov. 8, 2025. Aniya, hindi niya dineklara ang P75 milyon bilang campaign con­tribution. At hindi rin daw ito dineklara nina Defensor, Espiritu, at Viray. Paglabag ito sa Omnibus Election Code.

Katwiran sa counter affidavit ni Marcoleta na hindi niya ito inamin dahil Jan. 2025 ibinigay ang P75 milyon. Isang buwan ito bago opisyal na magsimula ang campaign period nu’ng Feb. 11, 2025. Hindi rin niya ito nilista sa SALN niya nu’ng Dec. 2025.

Balewala sa Ombudsman ang mga katwiran ni Marco­leta. Hindi naman siya hinabla ng paglabag sa batas halalan. Hindi rin siya hinabla sa pamemeke ng SALN. Ang habla sa kaniya ay ilegal na pagpapayaman – pandarambong – na inamin na niya sa interbyu.

Ang isda ay nahuhuli sa bunganga, kasabihan sa Tagalog.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with