^

Metro

3K guro tumanggap ng laptop mula sa Malabon LGU

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 3,000 mga guro at non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Malabon ang tumang­gap ng laptop mula kay Mayor Jeannie Sandoval bilang suporta ng pamahalaang lungsod sa sektor ng edukasyon.

Isinagawa ang turn­over ceremony sa Malabon Sports Complex kung saan sinabi ni Sandoval na katuparan ito ng kanyang pangakong mabigyan ang mga guro ng sapat na kagamitan upang maging mas ­episyente at dekalidad ang kanilang trabaho.

Gagamitin ang mga laptop sa paggawa ng instructional materials, pag-access sa digital resources, at iba pang gawaing may kaugnayan sa pagtuturo at pamamahala ng paaralan. Kasabay nito ang pamamahagi ng P4,500 second-quarter allowance sa mga kwalipikadong guro bilang dagdag na tulong-pinansyal.

Ayon kay City Administrator Dr. Alexander Rosete, ipinapakita ng mga programang ito ang pagkilala ng pamahalaang lungsod sa sakri­pisyo at dedikasyon ng mga guro at non-teaching personnel sa paghubog ng kinabukasan ng mga mag-aaral.

Patuloy aniya ang pakikipagtulungan ng Malabon City Government sa sektor ng edukasyon upang matugunan ang panga­ngailangan ng mga guro at mag-aaral sa lungsod.

MALABON

SANDOVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with