^

PSN Opinyon

Jueteng sa Albay, mga troll pumiyok!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

INULAN ng reaction ang expose’ ni Kap Nemo na jueteng ang namamayani sa Albay at hindi ang palaro ng PCSO na Small Town Lottery. Sa tagal na kasing lumalabas sa Dipuga ang isyu, sa pag-prescon lang ni Kap Nemo noong nakaraang linggo nagbitaw ng sangkaterbang reaction ang netizens dito. Ang nakapagtataka lang, maraming galit sa Dipuga imbes kay Kap Nemo, na nagsabing ang jueteng sa Albay ay mula noong Enero pa at ang nasa likod nito ay dalawang pulitiko at dalawang bigtime contractor. Masakit ba mga kosa ko sa Albay? Basta ang katotohanan lang ay positib na jueteng ang palaro dahil si Kap Nemo mismo ang namahala nito at alam n’ya ang kalakaran. Anong sey n’yo Albay Gov. Noel Rosal at kosang Jun Alegre Sirs? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Kasama sa galit na nag-react ay itong si Desiree Calleja. “Uhaw sa bigayan si Dipuga hahaha. Gusto mo lang ata bumili ng bagong iphone hahaha. Kiss mo muna si Kap Nemo para magka-iphone ka bii.” Ayon naman kay Ammarah Luna Regalario; “yucks kakadiri kayu kayo ba ‘yung mga content creator na sinasahuran gamit pera sa maleta.” Si Ericka Taño naman: “Garu si Dipuga ang bayad hahaha, sigeng taram pero mayo man siya digdi. Si kap nemo lang source, dae nagsasadiring imbestigar. Dawa man ako bida sa sadiring isturya HAHAHA.” Si Hazek Mae Belga naman: “maurag ising maging derektor ning pelikula si dipuga, katibay mag gibo istorya. Ata sya man sana ang sigeng tiwa tiwa, hays.” Si Calleja uli: “Magkano ang bigayan dipuga, hahaha putak ka na naman ng putak, nagtatampo ka lang at di pa nabibigay parte mo. Wahahaha.” Sinabi naman nga mga kosa ko na wala namang pics ang profile nila. Troll kaya ni Kap Nemo? Puwede namang bayad sila ng pulitiko at contractors, di na mga kosa? Anong sey n’yo Gov. Rosal at kosang Jun Sir’s? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Hindi na maasahan si PRO5 director Brig. Gen. Erosito Miranda na aksiyunan n’ya ang ibinulgar ni Kap Nemo dahil magretiro na s’ya sa Biyernes. Malinis si Miranda. Ang umuugong na papalit kay Miranda ay toss-up kina QCPD director Randy Glenn Silvio at CSG SOSIA chief Brig. Rudecindo Reales. May the best man win! Abangan!

LOTTERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with