^

Metro

11 pamilya sa gilid ng C5 inilikas vs landslide

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilikas ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang 11 pamilyang nani­nirahan sa gilid ng C5 Road sa bahagi ng Brgy. Western Bicutan, Taguig City, upang makaiwas sa panganib ng landslide, Miyerkules ng hapon. 

Ang direktiba ni Mayor Lani Cayetano ay kasunod ng pagguho  ng pader sa bahagi ng C5 Road bunga ng paglambot ng lupa dulot ng Habagat. 

Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa pagbagsak ng pader na kaagad ding pinagtulungang alisin ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Search and Rescue Team,Taguig Bureau of Fire Protection (BFP) Special Rescue Unit, at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office. 

Hinatiran naman ng mga pangunahing pangangailangan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at mga opis­yal ng barangay ang mga inilikas na pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa Barangay Western Bicutan Evacuation Center. 

Nagbigay naman ng tagubilin ang lokal na pamahalaan sa mga residente ng lungsod na manatiling mapagbantay at kaagad na humingi ng tulong sa mga kinauukulan kung makaramdam ng pa­nganib sa kapaligiran.

LANDSLIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with