^

Metro

Romualdez ‘flight risk’, bantay sarado 24/7

Joy Cantos, Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Romualdez ‘flight risk’, bantay sarado 24/7
Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla shared the mugshot of former House speaker Martin Romualdez during a press conference on September 8, 2026.
via Manny Tupas

MANILA, Philippines — Itinuturing na “flight risk” ng Department of the Interior and Local Govern­ment (DILG) si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaya mahigpit na binabantayan at nililimitahan ang kanyang galaw habang naka-confine sa isang pribadong ospital sa San Juan City.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, may dalawang private jet, tatlong helicopter at tatlong yate si Romualdez kaya isinailalim siya sa mahigpit na seguridad matapos maaresto sa bisa ng warrant mula sa Sandiganbayan.

Sinabi ni Remulla na may dalawang armadong guwardiya na nakatalaga 24/7 sa labas ng kuwarto ni Romualdez, bukod pa sa mga armadong guwardiya sa lobby at mobile patrol na nakabantay sa labas ng ospital.

Nililimitahan din umano ang galaw ng dating House Speaker at pinapayagan lamang siyang pumunta sa mga bahagi ng ospital na kinakailangan para sa kanyang gamutan. Patuloy rin siyang sinusuri araw-araw ng mga doktor ng Philippine National Police (PNP).

Kaugnay nito, hihi­lingin ng PNP sa Sandiganbayan ang pormal na paglalagay kay Romualdez sa police custody at
ang paglilipat sa kanya mula Cardinal Santos Medical Center patungo sa PNP General Hospital sa Camp Crame. Nasa korte pa rin ang desisyon kung pagbibigyan ang naturang kahilingan.

Ayon kay Remulla, nananatiling unstable ang kondisyon ni Romualdez kaya hindi pa siya maaaring dalhin sa korte. Kabilang sa iniinda nito ang mga karamdaman sa puso at blood vessels, unstable angina, diabetes, hypertension, mataas na cholesterol at mga kondisyong may kaugnayan sa dating stroke.

Nangangailangan si Romualdez ng masusing medical monitoring, lalo na’t sumailalim na ito sa angioplasty surgery noong Oktubre 4, 2024 dahil sa coronary artery disease.

Tiniyak ni Remulla na sa sandaling ideklarang fit at kaya nang humarap sa korte si Romualdez, agad itong dadalhin sa pagdinig. Aniya, walang puwang ang personal na relasyon sa pagpapatupad ng batas at susundin ng mga awtoridad ang utos ng korte.

Samantala, tiniyak­ din ni Remulla na walang magiging espesyal na pagtrato kay Romualdez kahit matagal na niyang kaibigan at fraternity brother. Aniya, mananaig ang batas sa anumang hakbang ng pamahalaan laban sa dating house speaker.

“Wala ho kaming iniilagan dito, wala hong kaibigan, wala hong fraternity brother,” ani Remulla sa isang briefing sa Camp Crame.

Ayon sa kalihim, na­ging malapit niyang kaibigan at ka-brother sa fraternity si Romualdez noong kanilang panahon sa University of the Philip­pines (UP).

Lunes nang pormal na nasampahan ng Ombudsman sa Sandiganbayan si Romualdez ng kasong P7.4 bilyong plunder at isyuhan ng warrant of arrest kasama sina da­ting Bicol Representative Zaldy Co, Joselyn Sereno, at Felicito Guevarra.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with