Pimples o tigyawat: Ano ang gagawin
Ang mga teenagers ay mas nagkakaroon ng pimples dahil sa pagbabago ng hormones, may bacteria sa balat at may fatty acids galing sa oil glands.
Heto ang mga tips:
1. Magbawas ng stress at puyat.
2. Maghilamos 2-3 beses sa maghapon gamit ang mild soap o facial cleanser na may benzoyl peroxide or salicylic acid na nabibili sa botika o grocery.
3. Linisin ng alcohol ang pimples para mapatay ang bacteria gamit ang cotton buds na nilagyan ng alcohol.
4. Mag-shampoo ng buhok sa gabi dahil kapag dumikit ang maruming buhok sa balat ay pwedeng maging sanhi ng pimples.
5. Sa mga babae, piliin ang oil free o water based or non-comedogenic na make-up o produkto sa mukha.
6. Iwasan ang mga junk foods at oily foods.
7. Uminom ng maraming tubig at kumain ng mga prutas at gulay dahil sa taglay na beta carotene.
8. Huwag putukin ang pimples dahil pwede itong magpeklat.
9. Kumonsulta sa dermatologist kapag sobrang dami ng pimples. Posible na mabigyan kayo ng antibiotics, retinoids at benzoyl peroxide creams at para malaman ang sanhi ng pimples.
- Latest




















