^

PSN Opinyon

Bukol sa katawan: Alamin kung masama o hindi

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ikaw ba ay may bukol sa katawan? Normal ba ito o masama na?

Mga hindi delikadong “bukol”:

1. “Buto sa tiyan” — Maaaring magkamali ka sa mga normal na buto sa katawan. Ang isang karaniwang kaso ay ang pro­seso ng xiphoid, na kung saan ay ang cartillage na nakakabit sa ibabang bahagi ng rib. Matatagpuan ito sa itaas na bahagi ng tiyan. Ito ay naka-usli ngunit ito ay normal.

2. “Buto sa lalamunan” — Para sa mga lalaki, ang adam’s apple (lugar ng lalamunan) ay madaling maramdaman sapagkat mas malaki ito sa lalaki.

3. Lipoma o taba -- Ang isa pang pangkaraniwan ngunit hindi nakakapinsalang bukol ay ang lipoma. Ito ay isang palipat-lipat, mataba at pabilog na laman na maaaring lumaki sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang lipoma ay hindi kanser at hindi kailangan tanggalin ng operasyon. Ipasuri ito sa isang surgeon para makatiyak.

Tandaan: Ang anumang bukol ay dapat suriin ng isang surgeon. Ang isang bukol sa bahagi ng leeg ay maaaring isang tanda ng impeksyon sa bibig, tuberculosis o iba pang sakit. Kung nakakaramdam ka ng anumang bukol sa tiyan o iba pang bahagi ng katawan, ipatingin ito sa iyong doktor upang maging sigurado. Muli, huwag muna mag-alala tungkol dito dahil marahil ito ay benign.

Sa huli, huwag kalimutan ang regular na check-up. Mag­sisimula ang mga check-up sa edad na 40. Ngunit kung mayroong history sa inyong pamilya ng sakit sa puso, diabetes o kanser, maaari kang mag pa-check-up kahit wala pang 40 taon. Manatiling maayos at malusog.

BUKOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with