^

Punto Mo

EDITORYAL – Kasinungalingan ng China

Pang-masa

MAY dalawang magkaibang pangyayari na iisa ang malinaw na aral: hindi dapat hayaang baliktarin ng China ang kuwento.

Sa Ayungin Shoal, isang Pilipino personnel sa BRP Sierra Madre ang nasugatan sa ulo matapos hampasin ng tauhan ng China Coast Guard. Sa halip na sagutin­ kung bakit naroon ang kanilang barko malapit sa BRP Sierra Madre, ang Pilipinas pa ang pinalabas na nag-uudyok o naghahamon.

Sa China Daily video naman, gumamit ng animal imagery na binasa ng maraming Pilipino bilang pang-iinsulto sa lahi. Nang umalma ang Pilipinas, sinabi ng mga tagapagtanggol nito na satire lang daw, political allegory lang daw, at ilang pulitiko lang daw ang target. Malaking kasinungalingan ito.

Sa Ayungin, gustong palabasin na ang nagbabantay ang nanggugulo. Sa video, gustong palabasin na ang nainsulto ang masyadong sensitibo. Pareho ang taktika: gawin ang mali, tapos kontrolin ang kuwento.

Hindi provocation ang presensya ng Pilipinas sa Ayungin. Ang BRP Sierra Madre ay simbolo ng ating­ pani­nindigan sa West Philippine Sea. Ang Ayungin Shoal ay nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Sa ilalim ng 2016 arbitral ruling, walang legal na bisa ang nine-dash line ng China. Hindi puwedeng gamitin ng Beijing ang sariling imbentong linya para magdikta sa lugar.

Kung may provisional arrangement man para maiwasan ang tensyon sa resupply missions, hindi ito lisensya para bantayan, harangin, o takutin ang Pilipinas sa sarili nitong maritime zone. Kasunduan iyon para iwas-gulo, hindi permiso para manghimasok.

Ganundin sa propaganda. Hindi porke tinawag na satire ay lusot na agad. May pinagkaiba ang pagpuna sa polisiya at ang paggamit ng imaheng humahamak sa dignidad ng isang lahi. Kung ang target ay ilang pulitiko lang, bakit kailangang idaan sa imaheng alam nilang makasasakit sa marami?

Hindi ito simpleng video. Bahagi ito ng mas malawak na laban sa narrative. Sa dagat, ginagamit ang pre­sensya at puwersa. Sa media, ginagamit ang propa­ganda at panlalait. Pareho ang layunin: gawing katawa-tawa ang paninindigan ng Pilipinas.

Dapat manatiling mahinahon ang bansa, pero hindi dapat magmukhang mahina. Dapat ituloy ang diplomasya, pero hindi dapat lunukin ang insulto.

Sa Ayungin, Pilipino ang nasugatan. Sa propaganda, ang pagka-Pilipino natin ang ininsulto. Sa parehong pagkakataon, Pilipinas pa ang gustong palabasing may kasalanan at sinungaling. Hindi na sapat ang diplomatic protest na hindi naman tumatalab sa “makapal” ang mukhang China. Mag-isip ng ibang paraan para labanan ang ginagawang panlalait, pambu-bully at kasinunga­li­ngan ng China.

AYUNGIN SHOAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with