LTFRB, riders bubuo ng IRR sa motorcycle taxi
MANILA, Philippines — Ikinagalak ng mga motorcycle taxi rider ang ginanap na konsultasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng motorcycle taxi industry.
Ayon sa rider na si Ryan Rillera ang konsultasyon ay isang pag-asa upang magkaroon ng pagkakataon ang mga rider na magbigay ng suhestiyon at ilahad ang kanilang mga alalahanin sa ahensiya. Kabilang sa mga tinalakay ang rider cap, kabuhayan ng mga rider, pamasahe, diskwento, at iba pang usapin kaugnay ng pagpapatupad ng regulasyon.
Ani Rillera, mahalaga ang maayos na regulasyon upang matiyak ang ligtas, propesyonal, at patas na operasyon ng motorcycle taxi. Makatutulong ang lehitimo at tamang bilang ng awtorisadong rider upang mapanatili ang kita ng mga lehitimong operator.
Tiniyak naman ng LTFRB na pag-aaralan nito ang mga mungkahi mula sa mga rider habang patuloy na binubuo ang IRR para sa tuluyang legalisasyon ng motorcycle taxi industry.
- Latest




















