Imahe ng Kongreso at Senado nababoy na!
PINAGSUMIKAPAN ng mga sinauna nating mga senador na buhatin sa pagkakalugmok sa kahirapan ang bansa natin. Ginamit nila ang katalinuhàn at sakripisyo para sa bayan at dahil d’yan ay pinagtiwalaan tayo’ng pautangin ng mayayamang bansa upang umangat ang ating pamumuhay.
Hindi na maibabalik ang malinis na imahe ng mga nagdaang liderato ng Senado tulad nina 1916-1935 Senate Pres. Manuel L. Quezon, 1945 Manuel Roxas, 1952-1963 Eulogio Rodrigiez.
Naging magaling na Senate Pres. din sina Ferdinand Marcos Sr., Arturo Tolentino, Jovito Salonga, Nene Pimentel, Marcelo Fernan at Franklin Drilon pero marami sa mga senador na napasa-ilalim ng liderato nila ang naging padrino ng mga kontratista at negosyanteng abusado.
Nagsimula ang marumi at maluhong panunungkulan ng mga congressman at senador nang mauso ang discretionary fund/pork barrels sa ilalim ng administrasyon ni Pres. Cory Aquino na tinawag na Countrywide Development Fund (CDF) noong 2000 at pinalala pa ng palawakin ito bilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na na-abolished dahil unconstitutional ayon sa naging desisyon ng Korte Suprema noong 2013. Tama ba Janet Napoles?
Naging personal na kalakaran na ngayon na kinokorner na ng mga mambabatas ang pagpopondo sa pagkakaperahan nilang mga proyekto na humahantong ang karamihan sa balahurang ‘‘substandard’’ na pinagnakawang mga proyekto at kalaunan ay dinugas na ang buong pondo kaya minumulto na sila ngayon. Gamay na gamay ‘yan ni Zaldy Co.,’di ba?
Nagdambulan ng liderato sa Kongreso at Senado magmula ng sumigaw si PBBM sa 2025 SONA nito ng ‘‘mahiya naman kayo!’’ Ganu’n pala kung mahiya ang mga mambabatas. Nagiging hudas?
Naging madasalin ang ilang senador dahil sa ‘‘ghost projects’’ na akala nila’y maloloko pa nila ang taumbayan. Managot ang dapat managot, ikulong ang dapat makulong. Period!
- Latest




















