Himala: kapatid gumaling sa sakit! (Part 7)
HABANG hinihintay kong matapos ang ang isinasagawang 2D Echo Test kay Victor ay walang tigil ang aking pagdarasal. Hiniling ko sa Panginoong Hesus na walang malubhang karamdaman ang aking kapatid. Idinasal ko kay Hesus na kaawaan at tulungan ang aking kapatid sa pinagdaraanang sakit.
Nagpasalamat naman ako sa Panginoon dahil dininig ang dasal ko na makautang ng pera sa aking mga amo. Kung hindi ako pinautang kanina, hindi ko alam kung kanino ako mangungutang. Mabait ang Diyos at dininig ang dasal ko.
Makaraan ang kalahating oras, natapos na ang 2D Echo Test kay Victor. Lumabas si Victor sa room.
“Tapos na ang test, Ate.”
“Hindi ka kinabahan?”
“Hindi naman. May mga inilagay lang sa dibdib ko.”
“Kailan daw makukuha ang result?”
“After three days daw Ate. Babasahin pa raw ng doktor ‘yun.”
“Sana naman wala kang sakit.”
“Oo nga Ate.”
“Halika. Uwi na tayo. Nagugutom ka na ba?”
“Oo Ate.”
“Sa bahay na lang tayo kumain. Mayroon pa tayong ulam na tira kanina.”
Umuwi na kami ni Victor.
(Itutuloy)
- Latest




















