^

Metro

Gasoline attendant binato ng basag na bote ng menor-de-edad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na binatilyo ang naaresto matapos umanong batuhin ng basag na bote ang isang gasoline attendant sa isang gasolinahan sa Sampaloc, Maynila nitong Biyernes ng hapon.

Batay sa kuha ng video, nagkaroon ng komprontasyon matapos paalisin ng gasoline attendant ang binatilyo sa lugar. Hinabol at inam­bahan pa umano nito ang biktima bago binato ng basag na bote na tumama sa kanang kamay ng gasoline attendant at nagdulot ng sugat.

Ayon sa mga em­pleyado ng gasolinahan, matagal nang pinagbabawalan ang binatilyo na pumasok sa establisimyento dahil umano sa pambabalahura ng comfort room at pagkuha ng ilang gamit. Sinabi rin ng ilang saksi na nagbanta pa umano ang menor- de-edad bago tumakas sakay ng isang jeep.

Sabado ng umaga nang isuko ng ina ang binatilyo sa mga awtoridad. Ayon sa Manila Police District (MPD), hindi na itinuloy ng biktima ang pagsasampa ng reklamo matapos ang pag-uusap sa barangay.

Na-turn over na ang menor-de-edad sa Manila Reception and Action Center para sa rehabilitasyon.

SAMPALOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with