^

PSN Palaro

Dating TNT import kinuha ng Converge

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dating TNT import kinuha ng Converge
susuot ni dating TNT Tropang 5G import Jalen Hudson ang uniporme ng Converge FiberXers sa Season 50 PBA Governors’ Cup.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ang dating import ng nagdedepensang TNT Tropang 5G na si Jalen Hudson ang tinapik ng Converge para sa darating na PBA Season 50 Governors’ Cup.

Iginiya ni Hudson ang Tropang 5G sa 5-1 record sa Season 48 PBA Governors’ Cup sa kanyang mga averages na 33.8 points, 9.3 rebounds at 4.2 assists.

Sa kabila nito ay nagdesisyon ang TNT na pauwiin si Hudson at ipalit si dating NBA player Rondae Hollis-Jefferson.

Tinulungan ni Hollis-Jefferson ang Tropang 5G na talunin si Justin Brownlee at ang Ginebra Gin Kings para agawin ang korona ng nasabing komperensya.

Tampok sa paglalaro ni Hudson, naging kamador ng Virginia Tech at University of Florida sa US NCAA, sa TNT ang kanyang pinasabog na 56 points sa 128-122 panalo sa Converge.

Kumpiyansa ang FiberXers na matutulungan sila ni Hudson sa season-ending conference matapos ma­bigong makapasok sa finals ng nakaraang Season 50 PBA Commissioner’s Cup na pinagha­rian ng Gin Kings.

Ang Titan Ultra Giant Risers na lamang ang wala pang nakukuhang import.

Bukod kina Brownlee at Hudson, ang iba pang sasalang sa torneo ay sina balik-imports George King (San Miguel), Aaron Fuller (Rain or Shine) at DeQuan Jones (NLEX).

Ang mga bagong muk­ha ay sina Jordon Varnado ng Meralco, KJ Buffen ng Magnolia, BJ Johnson ng Phoenix, Kentrell Barkley ng Blackwater, Justin Strings ng Terrafirma at De’Vondre Perry ng guest team Macau.

Samantala, magbabalik ang 36-anyos na si center Justin Chua sa Fuel Masters matapos ang pag-alis nina Prince Caperal at Matthew Daves.

Isusuot muli ng 6’7 na dating Ateneo big man ang uniporme ng Phoenix sa naturang torneo lamang.

TNT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with