^

PSN Opinyon

Huli na sana si Baterbonia

WAG EPAL - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Nailibing na kahapon ng umaga sa Talacogon Municipal Memorial Cemetery ang Ateneo player na si Rene Baterbonia. Ang nasabing sementeryo ang ginamit na venue sa Archery sa katatapos na Palarong Pambansa.

Kita ang pagmamahal at suporta ng pamilya­, mga kaibigan, mga kapwa basketball player kay Rene habang inihahatid sa kanyang huling­ hantungan. Hinimatay ang kanyang ina na tanda ng sakit na nararamdaman nito sa sinapit ng anak na madalas na pinaparangalan bilang Most Valuable Player.

May kasabihan na masakit sa isang ina na naglilibing ng anak kumpara sa anak na naglili­bing sa ina. Halos buong bansa ang nakaramdam ng galit at panghihinayang sa pagkawala ni Rene. Galit dahil sa pagpapabaya ng mga taong kanyang pinagkatiwalaan at panghihinayang na ma­iahon ang kanyang pamilya sa hirap.

Sinabi nga ng NBI na tatapusin na nila ang imbestigasyon subalit hindi ang CIDG na patuloy sa pangangalap ng mga ebidensiya.

Sana ay mabigyan ng hustisya ang pagka­matay ni Rene. Sana ay mapanagot ang mga taong may sala. Sana ay matukoy ang mga taong res­ponsable at may kagagawan sa maagang pagpanaw ng basketbolista.

Sana ay huli na si Rene Baterbonia.

RENE BATERBONIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with