^

PSN Opinyon

Calinisan, dapat makialam sa kaso ng missing gadgets!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

BAKIT tahimik si Napolcom VICEO Atty. Ralph Calinisan sa kaso ng missing 79 boxes na mamahaling gadgets? Kung sa kaso ng mga ordinaryong pulis, mabilis pa sa alas-kuwatro kung kumilos si Calinisan at kapag minalas ka abayyyyy ipapahiya ka pa sa harap ng media. Subalit dito sa missing gadgets, hindi maitaas ni Calinisan ang kamay na bakal n’ya. Magkano….este paano? Habang tahimik si Calinisan, lumalaki ang isyu dahil nagpapalitan na ng akusasyon ang kampo ng PNP-HPG at si Jerico Florida, ang attorney-n-fact ng nakumpiskang P250 ­milyon shipment na gadgets. Di ba bilang depensa ni Calinisan sa pagpahiya sa mga pulis ay kailangan may kumilos para tumino ang hanay ng kapulisan? At s’ya na nga ‘yun! At itong kaso ng missing gadgets ang isang magandang ehemplo para matupad ni Calinisan ang primary goal n’ya. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Itong nakumpiskang milyones na gadgets ang nagsilbing waterloo ni ex-HPG director Brig. Gen. Jessie Tamayao. Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na ang tanging kasalanan ni Tamayao ay na-entertain n’ya si Florida ng magreklamo ito sa opisina n’ya. Sa kagustuhan ni Tamayao na linisin ang command n’ya ng scalawags, abayyyyy nag-boomerang ito sa kanya. Kasi nga mga kosa, lumutang ang isang “karta tres” na pulis at inakusahang sinamantala s’ya ni Tamayao. Inanunsiyo pa ito ni Calinisan sa kanyang social media post at sibak kaagad si Tamayao. Para maiwasang mahagilap si “karta tres” inilipat ito ng assignment. Purbidang yawaahhhhh! At ang naiwang luhaan ay si Tamayao. Araguyyyyyy! Ang tanong sa ngayon ng mga Marites kong mga kosa sa Camp Crame kay Calinisan, ano na ang nangyari sa kaso ni “karta tres?” May kinikilingan si Calinisan? Dipugaaaaa!

Si Florida naman ay nagtatago sa ngayon dahil kinasuhan s’ya ng CIDG ng syndicated illegal ­recruitment. Walandyo! Kasi nga ba naman, hindi tumitigil si Florida na mabawi ang 79 missing boxes na naglalaman ng IPhone 17 pro Max at kinatigan naman s’ya ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na nag-utos sa HPG na isauli na ito. Tinawagan ng isang alyas Semilla si Florida na puwede na n’yang ma-pick-up ang kargamento sa Camp Crame at ang walang kamuhang-muhang na si Florida ay pumunda doon sa dis-oras ng gabi at hayun, swak s’ya sa kamay ng CIDG. Ang kaigihan lang, nakatakas si Florida habang nasa custody ng mga pulis sa Eastern Metro Manila at hinahabol s’ya sa ngayon. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Malakas ang kutob ni Florida na harassment lang ang kasong ibinabato laban sa kanya. “I firmly believe that the filing of these cases were intended to silence me (and) divert attention to the missing 79 master boxes,” ayon kay Florida. Abangan!

FLORIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with