^

Metro

Isko pinarangalan natatanging Manileño sa Gawad Manileño 2026

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-455 ani­bersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila, binigyang-pugay ng pamahalaang lungsod ang mga natatanging Manileño na nagbigay ng mahalagang ambag sa pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng Gawad Manileño.

Ang parangal ay iginawad sa mga indibidwal na nagpakita ng kahusayan, dedikasyon, at malasakit sa kanilang larangan, kabilang ang edukasyon, pampublikong kalusugan, socio-civic na gawain, kultura at sining, mass media, palakasan, kapakanan at pagpapaunlad ng kabataan, at pangangalaga sa kalikasan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang mga pinarangalan ay sumasalamin sa tunay na diwa ng pagiging Manileño -- matatag, masipag, at handang maglingkod para sa kapakanan ng kapwa.

Ayon kay Domagoso, ang Gawad Manileño ay hindi lamang tropeo o sertipiko kundi isang mataas na pagkilala sa mga taong nag-aambag sa pag-unlad ng lungsod at nagsisilbing inspirasyon sa kapwa.

“Ang tunay na sukatan ng tagumpay ng isang lungsod ay hindi lamang nakikita sa mga gusali at imprastraktura nito kundi sa kalidad ng buhay ng mga mamamayan nito,” ani Domagoso.

Binigyang-diin din ng alkalde na ang kadakilaan ng Maynila ay nakasalalay sa mga mamamayang araw-araw na nagsisikap, nagmamalasakit, at naglilingkod sa kapwa.

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with