Mas malalaking event planong i-host ng Candon

CANDON CITY, Ilocos Sur, Philippines — Determinado si Mayor Eric D. Singson nagawing premier sports destination sa north ang City of Candon.
Bagama’t may isang araw pa bago matapos ang hosting ng Candon City sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup ay hindi matutuldukan ang trabaho ni Singson sa pagpapaganda ng kanyang nasasakupan kung saan ay ipagpapatuloy nito ang pamumuno sa pagpapaganda ng sports tourism.
“It’s a long process. The journey is long and a challenging one,” ani
Singson kahapon habang nagbabanatan ang mga tigasing spikers na kasali sa nasabing event.
Hinayag din ni Singson na makukumpleto na rin ang pagpapagawa ng airport para mas madali at mas mabilis mapuntahan ang kanilang lugar at para maging national at international sports venue.
“I hope nagawa namin yung kailangang gawin as hosts,” sabi ni Singson.
“It’s a big challenge. We just do our part in developing sports in Candon and provide the necessary infrastructure.”
“We’re working to complete our airport, para magkaroon pa tayo ng mas marami, even bigger events,” dagdag ng alkalde.
Naging abala ang mga resort at hotel rooms sa pag host ng Candon sa AVC Women’s Cup.
“We now have practice facilities and we’re happy we provided it for this event,” sabi ni Singson.
“Outside of Metro Manila, you have Candon. Soon it will be able to host premium events such as the VNL,” ang pahayag naman ni AVC president Ramon “Tats” Suzara.
- Latest

















