Tawagin silang ‘18 basurero’
Palasyo sa 18 ‘ex-Marines’
MANILA, Philippines — Tinawag ng Palasyo na “18 basurero” ang tinaguriang 18 ex-marines. Ito ay matapos bansagan ni Sen. Raffy Tulfo na “18-kargador” ang mga ito kasunod na rin ng panawagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kung maaari ay tawagin na lamang silang “18 witnesses o 18 bodyguards”.
Ayon kay Palace Press Office Atty. Claire Castro base sa kanyang pananaw, kahit na ano pa ang itawag sa kanila - “18 Kargador,” “18 Maleta Boys” at “18 Basurero” ay maaari naman na pang-describe sa kanila.
Paliwanag ni Castro, kaya niya tinawag itong basurero ay dahil na rin sa pag-amin ng mga ito na basura ang kanilang kinukuha at dinadala.
Nakiusap lang aniya ang AFP na huwag na silang tawagin na ex-Marines dahil wala na serbisyo ang mga ito noong sila ay pumasok bilang bodyguards ni Zaldy Co.
“So, “18 Kargadores or 18 Basurero” puwede naman po silang i-describe ng ganoon,” saad pa ni Castro.
- Latest























