^

Bansa

Gatchalian bagong Senate President

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gatchalian bagong Senate President
Senate President Sherwin “Win” Gatchalian takes his oath during a special session at the Senate on June 17, 2026
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa kahapon si Senator Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate President matapos makakuha ng suporta mula sa 13 senador.

Nahalal si Gatchalian sa isinagawang special session na ipinatawag ng Malacañang kung saan nagpakita si Sen. Joel Villanueva kaya naging 13 ang bilang ng bagong mayorya.

Dumalo sa panunumpa ni Gatchalian ang kanyang ina na si Pastor Dee Hua-Gatchalian at pamangkin na si Lexi Gatchalian.

Hindi naman nagpakita sa isinagawang special session noong umaga ang mga mi­yembro ng minorya pero dumalo na ang ilan sa kanila noong hapon at maging sa pagdinig ng makapangyarihang Commission on Appointments.

Kabilang sa minorya na sumipot plenaryo sina Senators Rodante Marcoleta, Bong Go, Imee Marcos, Loren Legarda, Pia Cayetano at Camille Villar. Hindi nakadalo si Sen. Mark Villar na nasa labas ng bansa, Sen. Robin Padilla at Ca­yetano.

Nahalal naman bilang bagong Senate President Pro Tempore si Sen. Vicente Sotto III samantalang bagong Majority Floor Leader si Sen. Juan Miguel Zubiri.

Nauna rito, naglabas ng statement si Cayetano kung saan binabati niya ang bagong Senate Pre­sident at tinatanggap niya na mapapalitan na siya bilang lider ng Senado matapos makausap si Villanueva.

Kabilang pa sa bagong Senate Majority bloc sina Sens. Francis “Chiz” Escudero, Francis “Kiko” Pangilinan, Risa Hontiveros, Paolo “Bam” Aquino IV, Panfilo “Ping” Lacson, Manuel “Lito” Lapid, Joseph Victor “JV” Ejercito, Erwin Tulfo at Raffy Tulfo.

Samantala, sinabi ni Gatchalian sa inilabas na statement na isang malaking karangalan para sa kanya ang pagkakataon na maglingkod bilang Senate President.

“Ang pagkakataong maglingkod bilang Se­nate President ay isang malaking karangalan. Kasabay nito ang panawagang maging huwaran sa paglilingkod araw-araw. Higit sa lahat, ang tungkuling ito ay pananagutan — sa Senado, sa ating Saligang Batas, at sa sambayanang Pilipino,” ani Gatchalian sa post sa social media.

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with