Lookout order vs Baldwin, 4 pa inilabas ng DOJ

MANILA, Philippines — Naglabas na ang Department of Justice (DOJ) ng immigration lookout bulletin order (ILBO) laban kay dating Ateneo head coach Tab Baldwin at apat pa kaugnay sa pagkasawi ng student athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sinabi ni DOJ Acting Secretary Fredderick Vida na ang ILBO ay inisyu nitong Hunyo 17, 2026 laban kay Baldwin; Christopher Quimpo, dating team manager; Reynaldo Jacinto Jr., assistant coach; Dean Castaño, assistant coach at Sandro Soriano, assistant coach.
Ipinaliwanag ng DOJ na ang ILBO ay para lamang mabantayan ang galaw ng mga naturang indibidwal at hindi naman mapipigilan ang paglabas nila ng bansa.
Posible lamang na mapigilan ang isang indibidwal na umalis ng bansa kung mayroon nang inilabas na precautionary hold departure order (PHDO) sa level ng preliminary investigation na malapit nang matapos o hold departure order (HDO) kapag nasa korte na ang kaso.
- Latest




















