^

Bansa

Raffy: Cayetano duwag talaga

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Raffy: Cayetano duwag talaga
Raffy Tulfo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Walang balak si Senador Raffy Tulfo na bawiin ang pagtawag na “duwag” kay Senador Alan Peter Cayetano dahil sa umano’y pag-iwas nitong harapin ang mga isyu sa mismong plenaryo ng Senado.

Sinabi ni Tulfo na, “I stand by it. Duwag pa rin siya.”

Ipinaliwanag ni Tulfo na ang rason kung bakit tinawag niyang duwag si Cayetano ay palagi na lamang itong nagpapaliwanag sa Facebook sa halip na sa mga senador.

“Sabi ko, kung meron kang issue against us or against anybody, sa mga kasama mo sa Senate, then do it on the floor sa plenary para meron kaming chance na sagutin siya. Du’n kami magbakbakan, dyan siya takot,” aniya sa panayam ni Pinky Webb sa programang “On Point” ng Bilyonaryo News Channel.

Idinagdag ni Lacson na ayaw ni Cayetano na may kasagupaan siya sa floor.

“And that’s why gusto niya sa Facebook para lahat ng gusto niyang masabi masasabi niya ng walang nagpipigil sa kanya.”

Pero sinabi rin ni Lacson na bago pa man ang mga nangyari sa Senado, itinuturing niyang kaibigan si Cayetano dahil sa maayos nilang samahan.

“Before all these things happened, kaibigan ko siya e. Palagi niya akong binabati, ‘pag nakita niya ako (tinatapik niya ako), tapos magbibiru-biro siya. Mahilig siya magbiro. Lalapitan niya ako, makikipag­kwentuhan sa akin, magjo-joke, so I consider him a friend,” ani Tulfo.

“So nakakalungkot, kumbaga nabura ‘yung respeto ko sa kanya, kung paano ko siya nakilala,” ayon pa kay Tulfo.

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with