^

PSN Opinyon

Bagong timon sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAY bagong timonero ang NAIA. Itinalaga ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) si Jong Hoon “John” Kim bilang bagong Chief Operating Officer (COO), isang beteranong airport executive mula sa South Korea na halos tatlong dekada nang batak sa pagpapatakbo ng isa sa pinakamahuhusay na paliparan sa mundo.

Simple lang ang misyon ni Kim: ayusin ang galaw ng NAIA para mas mabilis, mas ligtas, at mas maayos ang serbisyo sa milyun-milyong biyahero. Siya ang hahawak sa araw-araw na operasyon ng paliparan kapalit ni Ok Chul “Paul” Shin.

Kung sa barangay may kapitan na nagpapatupad ng disiplina para mawala ang tambak na basura at trapik sa kalsada, ganoon din ang papel ni Kim sa NAIA. Kailangan niyang tiyakin na maayos ang pila, mabilis ang proseso, ligtas ang mga pasahero, at hindi sabog ang sistema sa oras ng dagsa ng tao.

Bitbit niya ang karanasan sa Incheon International Airport, kung saan ginamit ang mga makabagong teknolohiya gaya ng biometric access at matatalinong CCTV system para mas higpitan ang seguridad at pabilisin ang serbisyo.

Kasama rin sa pinalakas na hanay ng NNIC si Han Joon Kim, isa ring beteranong airport official na tututok sa mga usaping pang-abyasyon at iba pang mahahalagang proyekto.

Para sa karaniwang Pilipino, ang ibig sabihin nito ay malinaw: target ng NNIC na gawing mas maayos, mas disente, at mas makabago ang NAIA. Hindi ito tungkol sa bagong pangalan sa opisina, kundi sa paglalagay ng taong sanay magpatakbo ng malaking paliparan para mabawasan ang aberya at mapaganda ang karanasan ng bawat biyahero.

Sa madaling salita, ang hamon kay John Kim ay hindi lang paandarin ang NAIA kundi itaas ang antas nito para makasabay sa mga nangungunang paliparan sa buong mundo.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with