Mag-almusal na po!
Ang pagkain ng almusal ay:
- Nakakatalino sa bata sa school
- Nagbibigay ng enerhiya sa trabaho
- May tulong sa pagdiyeta (dahil hindi ka gugutumin at mapapakain ng marami sa tanghali).
Heto ang masustansyang almusal:
1. Isda at gulay.
Ang pritong bangus at gulay na monggo, pechay o kangkong ay masustansya at masarap pa. Ang sardinas at dilis ay napakasustansya rin. Mataas ito sa protina at calcium.
2. Gatas o yogurt.
Kumpleto ito sa protina, carbohydrates at fats. Ang skim milk o yogurt ay bagay sa may katabaan, may diabetes at may mataas na kolesterol.
3. Itlog.
Kung wala ka namang sakit sa puso o problema sa kolesterol, puwede kang kumain ng isang itlog bawat araw. Ang nilagang itlog ay masustansya at nagpapalakas.
4. Prutas.
Tulad ng saging, mansanas, papaya at mangga ay sagana sa bitamina at minerals. Limitahan lang sa 1-2 piraso ito o 1-2 hiwa ng mangga lang para hindi ka tumaba.
5. Oatmeal.
Ang pagkain ng 1 tasang oatmeal bawat araw ay puwedeng magpababa ng ating kolesterol sa dugo ng 10%.
6. Cereals.
May kamahalan lang ang cereals pero sagana ito sa bitamina at minerals. Kapag inihalo ito sa gatas ay talagang masustansya ito.
- Latest




















