1 sa 2 suspect sa Slovak tourist rape-slay sa Boracay, arestado

MANILA, Philippines — Isang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang babaeng Slovakian national na turista sa Boracay Island sa Malay, Aklan ang naaresto na umano ng pulisya, ayon sa ulat kahapon.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Malay Mayor Frolibar Bautista na hawak na ng awtoridad ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa 23-anyos na Slovak tourist na si Michaela Mickova na natagpuang walang saplot pang-ibaba sa abandonadong kapilya sa Boracay.
“May nahuli nang suspek. Meron pang hinahabol kahapon. Meron tayo nahuli isa, sa isang barangay mainland,” pahayag ng alkalde.
Nauna rito, iniulat ni P/Lt. Col. Mar Joseph Ravelo, hepe ng Malay Police, na dalawang persons of interest (POI) ang nakasalamuha ni Mickova, na pawang residente sa Boracay Island na nakunan ng CCTV noong araw na huli siyang nakitang buhay.
Ang biktima ay nakitaan ng mga sugat sa katawan nang madiskubre ang bangkay nito sa kapilya.
Ayon sa awtoridad, hinihintay pa nila ang resulta ng eksaminasyon sa bangkay ni Michova para matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito at upang makumpirma na ginahasa ng mga salarin.
- Latest