4 katao natusta sa sunog

Sa Marikina at Maynila...
MANILA, Philippines — Nasawi sa sunog ang apat katao kabilang ang isang ama at dalawa nitong anak na babae sa naganap na sunog sa isang residential areas sa Brgy.Concepcion, Marikina City, habang isang matandang babae naman sa Maynila, naganap kahapon ng umaga.
Kinilala ng 161 Rescue Team ng Marikina ang mga nasawi na sina Rodolfo Jarlego, 55 at dalawang anak nitong sina Angelica, 23; at Dimple,18.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP),unang sumiklab ang sunog, alas-8:04 ng umaga sa isang tatlong palapag na tahanan ng mag-aama sa E. Santos St., kanto ng Cepeda St., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City, na pagmamay-ari ng isang Naneth Jarlego.
Nasugatan naman sa sunog ang tatlo pang indibidwal na nakilalang sina Ronel John Jarlego, 29, na nagtamo ng 1st degree Burn; at dalawang paslit na sina Stacey Anne Jarlego, 6, at Sid Andrei Jarlego, 4.
Tinatayang nasa 13 bahay ang nadamay sa sunog at 60 indibidwal naman ang naapektuhan nito at umabot lamang ng unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula, alas-8:44 ng umaga.
Samantala, sa Tondo, Maynila, dakong alas-9:15 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng 2-storey house na matatagpuan sa Matimtiman St., na pagmamay-ari ng isang Gloria Rumageura.
Dito ay isang 83-anyos na lola, na biyuda ang nasawi matapos na ma-trapped sa loob ng nasusunog na tahanan.
Nasa apat na bahay ang tinupok ng apoy at walong pamilya ang naapektuhan nito at naapula ang sunog, alas-alas-10:34 ng umaga.
- Latest