Walang impeachment trial vs VP Sara habang naka-break ang Senado – Escudero
MANILA, Philippines — Hindi sisimulan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte hangga’t habang naka-session break ang Senado, ayon kay Senate President Chiz Escudero.
Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos hindi ma-refer sa plenaryo ang Articles of Impeachment na ipinadala ng House of Representatives kamakalawa ng hapon, ang huling araw ng sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ni Escudero na sa June 2 pa kung kailan magbabalik ang sesyon saka pormal na masisimulan ang pagtalakay ng Articles of Impeachment.
Sa ngayon aniya ay hindi pa opisyal na naiihain sa plenaryo ang Articles of Impeachment dahil wala ng oras upang gawin ito kamakalawa.
Sinabi rin ni Escudero na walang dahilan para magmadali ang mga senador na umupo sa impeachment court lalo pa’t ipinadala naman ang Articles of Impeachment halos ilang oras na lang bago mag-adjourn ang sesyon.
- Latest