^

True Confessions

Hiyasmin (143)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

LALABAS na si Dax sa kuwarto nang magsalita si Hiyasmin.

“Sir Dax!’’

Gising na pala!

Pero ayaw lumi­ngon ni Dax dahil alam niyang naka-panty lang at walang bra si Hiyasmin—natulog na iisa lang ang saplot.

“Kakain na. Gigi­singin sana kita kaya ako pumasok. Mahimbing ang tulog mo.”
“Oo nga po Sir Dax. Sobrang pagod ko kanina.’’

“Magbihis ka na at kakain na tayo. Lalamig ang pagkain.’’

“Opo.’’

“Sumunod ka na sa kitchen.’’

“Opo.’’

Lumabas na si Dax na hindi na tiningnan pa si Hiyasmin. Nakakahiya naman kay Hiyasmin kung titingin pa siya. Alam na ngang naka-panty lang.

Pagdating sa kitchen ay nagsandok ng kanin at ulam si Dax. Naglagay ng plato at mga kutsara at tinidor. Inilabas ang malamig na tubig sa ref.

Maya-maya parating na si Hiyasmin. Naka-pajama.

“Umupo ka na,’’ sabi kay Hiyasmin. “Ginisang corned beef lang ang niluto ko. Bukas ka na bumawi. Kakain tayo sa seafood restaurant.’’

“Okey na ito Sir Dax. Nakakahiya na ikaw pa ang nagluto.”

“Okey lang yun, pagod ka e.’’

“Nanibago ako sa trabaho.’’

“Talagang ganyan—sa umpisa lang yan.’’

“Sana nga po.’’

Maya-maya, iniba ni Dax ang usapan.

“Talaga bang naka-panty ka lang kung matulog?’’

“Kung minsan, Sir Dax—lalo kung summer.’’

“Paano kung may pumasok na magnanakaw at makita kang naka-panty lang?’’

Napatingin nang matagal si Hiyasmin kay Dax. Itinigil ang pagkain.

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with