^

Metro

Nagdala ng pasyente, utas sa sekyu ng ospital!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nagdala ng pasyente, utas sa sekyu ng ospital!
Dead-on-arrival sa  Novaliches District Hospital ang biktimang si Jeffrey Ragundiaz Dulay, 38, residente ng Goodwill Homes II, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na maghahatid ng kaibigang pasyente matapos na barilin ng dalawang ulit ng nakatalagang security guard ng isang ospital nang magtalo sa parking sa Novaliches, Quezon City.

Dead-on-arrival sa  Novaliches District Hospital ang biktimang si Jeffrey Ragundiaz Dulay, 38, residente ng Goodwill Homes II, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Alvin Rivera Borata, 40, ng Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City at security guard ng ICT Security Agency na nakatalaga sa Novaliches District Hospital.

Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang insidente dakong alas-2:48 ng madaling araw sa harap ng nabanggit na ospital sa Quirino Highway, Barangay San Bartolome, Novaliches.

Lumilitaw na dinala sa ospital ni Dulay at mga kaibigang sina Marvin Asumbra at Nude Mark Delos Santos ang isa pa nilang kaibigan na nasangkot sa aksidente sa motorsiklo. Ipinarada nito at kanyang mga kaibigan ang motorsiklo sa harap ng nasabing ospital.

Sinita ng nasabing guwardya na noo’y naka-duty ang biktima at sinabihang pumarada sa katabing convenience store na sinunod naman nito at kanyang mga kaibigan.

Subalit binalikan ni Dulay sa puwesto ang sumitang guwardiya hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Dito na binunot ng guwardya ang kanyang baril at pinutukan ang biktima ng dalawang ulit.

Nang makitang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas ang guwardya sa hindi matukoy na direksiyon.

Batay sa imbestigasyon ng SOCO team ng QCPD FU sa pangu­nguna ni PCapt. Michael Jabel, dalawang basyo ng 9mm ang nakuha at dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib ang tinamo ng biktima.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with