^

Music

PULP Summer SlaM 12: The Apostles ngayong Sabado Na!

MANILA, Philippines - Palapit na ang pinakamalaking heavy rock fes­­tival sa Pilipinas! Inihahandog ng buong pagma­malaki ng PULP Live World at Colt 45 ang PULP Summer Slam 12: The Apostles na gaganapin ngayong Sabado, April 28, 2012 sa Amoranto Stadium, Quezon City.

Ang kauna-unahang PULP Summer Slam ay ginanap labindalawang taon at mula noon ay pa­tuloy itong lumalaki dahil sa pagsasama ng mga malala­king international metal bands na katulad ng Sha­dows Fall, Anthrax at Lamb of God.

Ngayong taon ay papalakihin pa lalo ng PULP Live World ang taunang konsiyerto sa pagsasama ng anim na international heavy rock acts kasama ng anim na pinakamalaking banda ng bansa. Kabilang sa anim na international bands ay We Came as Romans, Darkest Hour, Periphery, Blessthefall, August Burns Red at Arch Enemy. Hindi rin pahuhuli ang mga local bands na Sin, Intolerant, Chicosci, Franco, Urbandub at Kamikazee.

Bukod pa sa mga mahuhusay na banda na ito, ang ticket sa kaganapang ito ay nagkakahalaga lamang ng P400 na may kasama pang anim na freebies — libreng beer mula sa Colt 45, libreng pizza mula sa Pizza Hut, cellphone load mula sa Smart, libreng Pepsi, libreng kopya ng PULP Magazine at libreng stub para magkaroon ng P50 discount sa official PULP Summer Slam 12 shirt mula sa Tribal.

Ang PULP Summer Slam 12: The Apostles ay inihahandog ng PULP Live World at Colt 45 sa tulong ng major sponsors Pizza Hut, Smart, Pepsi at Tribal. Makakabili kayo ng mga tickets sa lahat ng branches ng Ticketnet, Ticketworld, SM Tickets, Odyssey, Astorplus and Merriam-Webster branches nationwide at maaari ring bumili sa venue sa araw mismo ng konsiyerto.

AMORANTO STADIUM

ARCH ENEMY

ASTORPLUS AND MERRIAM-WEBSTER

AUGUST BURNS RED

DARKEST HOUR

LAMB OF GOD

LIVE WORLD

PIZZA HUT

PULP

SUMMER SLAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with