^

PM Sports

Blazers kapit-tuko sa liderato

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapit-tuko sa solong liderato ang College of St. Benilde matapos gibain ang San Sebastian College-Recoletos, 91-85, sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Ang ikalawang sunod na panalo ng Blazers ang nag-angat sa kanilang kartada sa 8-2 at inilugmok ang Stags sa 2-8 kasama ang eight-game losing slump.

Naglista si center Allen Liwag ng 18 points para pamunuan ang St. Benilde.

Nabalewala ang 29 point explosion ni guard Paeng Arce sa panig ng San Sebastian.

Kinuha ng Blazers ang 87-74 abante sa fourth quarter bago naghulog ang Stags ng isang 10-2 atake sa likod ni Arce para makadikit sa 84-89 sa natitirang 46.4 segundo.

Iyon na ang huling paglapit ng Baste sa St. Benilde.

Sa unang laro, tinapos ng University of Perpetual Help System DALTA ang apat na sunod na talo matapos padapain ang Colegio de San Juan de Letran, 71-61.

Humakot si Christian Pagaran ng 19 points, 5 rebounds at 2 assists habang may 15 markers si rookie Mark Gojo Cruz para sa 5-6 kartada ng Altas at inilaglag ang Knights sa 6-5 marka kasama ang two-game losing skid.

Binanderahan ni Jimboy Estrada ang Letran sa kanyang 14 points at 10 assists bago napatalsik sa dulo ng fourth quarter dahil sa naunang unsportsmanlike foul at technical foul.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with