^

PSN Opinyon

Balahuba ang bansa sa bultu-bultong droga

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NALALAGAY na naman sa nakasusuklam na insidente itong bansang Pinas matapos na mahuli ng mga Laos Authority ang may 521 kilong shabu na ililipad sana papuntang Pilipinas ng isang chartered plane. Makalipas lamang ang 6 na araw ay natuklasan naman ang may 1.178 toneladang shabu sa isang barko sa katubigan ng Thailand at ang destinasyon o ang paghahatiran nito ay ang ating bansa.

Bagamat isinasailalim na ngayon sa masusing pag-iimbestiga ng dalawang bansa ang mga bultu-bultong shabu, aba’y dito sa ating bansa ay kanya-kanya ng pukulan ng akusasyon na tila may inililihis sa inisyu. Kung kayo ang tatanungin sang-ayon ba kayo sa mga patutsada nitong mga magagaling nating kababayan na nagtuturo na kung sinu-sino ang nasa likod gayong nasa proseso pa lang ng mga bansang Laos at Thailand ang pag-iimbestiga sa mga nasa likod ng malaking bulto ng shabu na idi-deliver sana sa bansang Pilipinas?

Ngunit kung ang madlang pipol ang tatanungin halos iisa lang kanilang mai-kukomentar sa naturang isyu, ang  Pilipinas kasi ay malamya at maraming butas ang batas kaya’t hindi maikumpas ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang kanyang kinakalawang na kamay na bakal para mawalis na itong mga salot na nagpapakalat at nagpaparating ng droga sa bansa. Hindi na natin mabilang ang mga bansang may hatol na ‘Bitay’ sa mga iresponsableng ibolbado sa pagpapakalat ng droga sa kanilang bansa. Mapalad itong si Mary Jane Veloso dahil sa bigat nang kanyang sintensiya ay napalaya at naibigay ito sa bansa matapos na magkaroon ng magandang pag-uusap si PBBM at mga opisyaless ng Indonesia na sa kalaunan ay binigyan ng Absolute Pardon ni PBBM.

Ang masakit, heto na naman ang bultu-bultong droga na tangkang ipapasok sana sa bansa sa pamamagitan ng chartered plane at barko. Isang negosyanteng Pinoy ang positibong kinilala ng Laos Authority na responsable sa pagkarga ng male-maletang droga na umaabot sa 521 kilos. Bukod pa riyan itong 1.178 kilong shahu na lulan ng isang barko. Ngayon ang tanong nang madlang pipol, kailan maikukumpas ni PBBM ang hatol sa bitay gayong kinakaladkad na sa kumunoy ang kanyang administrasyon ng dahil sa droga? Hanggang kailan ba magbubulag-bulagan itong mga magagaling nating mambabatas diyan sa Senado at sa House of Representatives? Hanggang kuro-kuro at puna na lamang ba ang dapat nating ipapakalat sa mga Social Media? Panahon na tumulong at kumilos tayo sa kapalpakan ng mga mambabatas at maging ng Pangulo dahil kung patuloy na malamya at walang pangil ang batas na pinaiiral kontra sa illegal drugs, malulubog at magugumon na sa droga at masisira ang magandang relasyon natin sa ibang bansa. Maikukumpas na kaya ni PBBM ang kanyang kinakalawang na kamay na bakal? Abangan!

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with