Lady rider kinastigo ng LTO
Angkas na bata walang helmet
MANILA, Philippines — Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang rehistradong may-ari at rider ng isang motorsiklong nahuli-cam na may angkas na bata na hirap maabot ang foot peg at wala pang suot na helmet.
Itinakda ng LTO na magtungo ang may-ari at rider sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office, East Avenue, Quezon City, sa Oktubre 13, 2026, upang magsumite ng sinumpaang salaysay kaugnay ng insidente.
Sa video na nakarating sa LTO, makikita ang naturang motorsiklo na bumibiyahe kasama ang isang batang babae na walang suot na helmet at nahihirapang maabot ang foot peg ng motorsiklo. Ito ayon sa LTO ay maaaring malagay sa panganib ang angkas na bata habang bumibiyahe sa lansangan.
Isinailalim na ng LTO sa 90-araw na preventive suspension ang drivers license ng naturang rider at naka- alarma na ang sasakya.
- Latest




















