Blazers kinaldag Stags
MANILA, Philippines — Nalusutan ng College of Saint Benilde ang malakas na laro ng San Sebastian College-Recoletos sa first half matapos ilista ang 73-66 panalo sa NCAA Season 102 seniors basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil EcoOil Centre sa San Juan City kahapon.
Nagliyab ang opensa ni Joshua Cajucom upang iangat ang Blazers sa 5-1, para itarak ang pinakamagandang rekord nila sa dalawang grupo ng NCAA, habang nananatili namang walang panalo ang Stags pagkatapos ng anim na laro.
Nahirang na Best Player of the Game si Cajucom matapos irehistro ang 20 points, limang rebounds at dalawang steals habang bumakas sina Jhommel Ancheta at Sanchez ng 14 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod para sa Taft-based squad.
“You have to give credit to San Sebastian, they played really well,” sabi ni coach Paolo Layug. “I also think our defense wasn’t on point in the first half. Thankfully we were able to get stops in the third and fourth quarter.
Samantala, kinapitan ng defending champion San Beda University sa dikdikang labanan si Aldous Torculas upang itakas ang mahirap na 74-65, overtime win kontra Letran.
Tumikada si Torculas ng 18 points, limang rebounds at dalawang steals para sa Beda na sinakmal ang pangalawang sunod na panalo at mapaganda ang kanilang karta sa 4-2.
Nalasap naman ng Kngihts ang pangalawang talo sa limang laro, kasalukuyan silang nakapuwesto sa second spot ng Group B ng team standings.
- Latest















