^

PM Sports

World meet sasabakan ni Yulo

Chris Co - Pang-masa
World meet sasabakan ni Yulo
Inilatag nina (mula sa kaliwa) taekwondo jin Jeus Gabriel Derick Yape, pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Edriel Yulo ang kanilang mga napanalunang gold medals sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Sunod na pagtutuunan ng pansin ni Carlos Yulo ang pagsabak nito sa prestihiyosong 2026 World Championships na gaganapin sa Oktubre 17 hanggang 25 sa Rotterdam, Netherlands.

Galing si Yulo sa matamis na kampanya sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan kung saan nakasungkit ito ng dalawang gintong medalya para pamunuan ang kampanya ng Team Philippines sa quadrennial meet.

Namayagpag si Yulo sa kaniyang paboritong events na men’s floor exercise at vault ? ang parehong events kung saan ito nakasikwat ng ginto sa Paris Olympics.

Matapos ang Asian Games, agad na tumulak sa May sila si Yulo upang ipagdiwang ang kaniyang tagumpay kasabay ng announcement ng kaniyang engagement sa kasintahang si Chloe San Jose.

May ilang guestings din si Yulo sa telebisyon kabilang na ang Unahang Hirit kasama ang kaniyang kapatid na si Karl Eldrew na nakatanso sa Asian Games.

Dumalo rin si Yulo sa welcome dinner para sa Team Philippines sa Century Park Hotel sa Maynila upang makasama ang delegasyon sa selebrasyon noong Lunes.

Matapos ang lahat ng kaniyang aktibidad ay balik-ensayo na si Yulo para paghandaan ang pagsabak nito sa World Championships.

Nakatakdang tumulak pa-Netherlands ang national gymnastics team sa susunod na linggo para doon ipagpatuloy ang paghahanda.

“I’m always happy to take these challenges sa buhay ko. It’s not gonna be always smooth, it’s not gonna be always patag ‘yung daan,” ani Yulo.

Hindi naman na bago si Yulo sa World Championships dahil tatlong beses na itong nagkampeon sa naturang event.

Una na sa floor exercise noong 2019 at sa vault noong 2021 at 2025.

Nais ni Yulo na gamitin ang World Championships upang ma-scout ang kaniyang mga makakalaban.

Mas nakatutok ito sa World Championships sa susunod na taon dahil ito ang magsisilbing qualifying tournament para sa 2028 Olympic Games sa Los Angeles, California.

“I just want to observe the competitors. Mas importante ‘yung next year dahil qualifying siya sa Olympics,” ani Yulo.

CARLOS YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with