^

PM Sports

Tiz The Moon pakitang-gilas

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas ang liyamadong Tiz The Moon matapos nitong angkinin ang korona sa PHRTAI-Philracom Benefit race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Mabilis na lumundag palabas ng aparato ang Tabby Kat upang hawakan ang unahan sa kaagahang ng karera, nasa pangalawa ang Shade Green, habang nasa pangatlo ang liyamadong Tiz The Moon.

Humarurot nang todo ang Tabby Kat kaya nakalamang agad ito ng pitong kabayo sa pumapangalawang Shade Green sa kalagitnaan ng karera, nasa tersero pa rin ang Tiz The Moon at malayong pang-apat ang Finer With Age.

Subalit pagdating ng far turn ay nasa tatlong kabayo na lang ang lamang ng Tabby Kat dahil malakas ang pag-usad ng Tiz The Moon.

Papalapit ng huling kurbada ay naagaw na ng Tiz The Moon ang bandera, naupos sa pangalawang puwesto ang Tabby Kat at nasa tersero puwesto ang Maldini.

Lumubo ang distansya ng lamang ng Tiz The Moon na ginabayan ni jockey JP Guce at umabot ito sa apat na kabayo, habang nasa pangalawa na ang Maldini.

Tinawid ng Tiz The Moon ang meta na may limang kabayo ang agwat sa sumegundong Maldini, pangatlo ang Del Campo at pumang-apat ang Tabby Kat.

Inirehistro ng Tiz The Moon ang tiyempong 1:38 minuto sa distansyang 1,600 meter race, sapat upang ha?igin ng winning horse owner na si Patrick Kok Tiong Chua Uy ang P300,000 premyo.

Nakopo ng Maldini ang second place prize na P112,500, habang P62,500 at P25,000 ang nakuha ng third at fourth placers na Del Campo at Tabby Kat, ayon sa pagkakasunod.

RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with