Phoenix may bagong import
MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang balahasan ng imports ng mga koponan sa PBA bago magbalik-aksyon ang PBA Season 50 Governors’ Cup sa susunod na Miyerkules.
At pinakabagong sumali rito ang Phoenix Fuel Masters matapos sikwatin si Marcellus Earlington bilang kapalit ni BJ Johnson.
Walang problema ang Phoenix at si Johnson subalit hanggang Agosto lang ang pinirmahan nitong kontrata dahil may commitment sa ibang liga na kailangan na niyang tuparin.
Natrangkuhan ni Johnson sa 4-3 kartada ang Fuel Masters para makasosyo ang Magnolia sa segunda puwesto sa likod lang ng Rain or Shine (4-2) bago umalis ng bansa sa kasagsagan ng lagpas 2 buwang pahinga ng PBA para suportahan ang Gilas Pilipinas sa 2026 Achi-Nagoya Asian Games.
At ito ang inaasahan ng Phoenix na maipagpatuloy ni Earlington na dumating na sa bansa at nakasama nila sa 83-80 talo sa tune-up game kontra sa Omni Erdenet Broncos ng Mongolia tampok si dating PBA import KJ McDaniels.
Produkto ng University of San Diego at St. John sa US NCAA ang 26-anyos na si Earlington na hitik din sa karanasan sa Amerika, Italy at Israel.
Sa Oktubre 7 na magbabalik ang PBA subalit sa Oktubre 16 sa Ynares Sports Center sa Antipolo pa sasalang si Earlington kontra sa Meralco Bolts na nauna nang nagparada ng bagong import na si Jordon Varnado bago ang PBA break bilang kapalit ni Antonio Hester.
Palit import din ang Barangay Ginebra mula kay Riley Grigsby papunta kay Jordan Murphy, Talk ‘N Text na sasandal na kay Nick Hornsby bilang kapalit ni Rahlil Hollis-Jefferson at NLEX na nakahanap na ng replacement sa katauhanni Deone Burton para sa injured na si DeQuan Jones.
- Latest




















