NBI handing arestuhin si Estrada

MANILA, Philippines — Handa naman ang National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin si Sen. Jinggoy Estrada kasunod ng paglalabas ng warrant of arrest ng Sandiganbayan.
“As soon as we get hold of the warrant, we will enforce it,” ani NBI Director Atty. Melvin Matibag.
Sinabi ni Matibag sa pulong-balitaan nitong Biyernes, na kung makatanggap na sila ng kautusan para sa pag-aresto, handa silang pasukin ang Senado, tulad ng tangka nilang pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa noong Mayo 11, ani Matibag.
Bukas din aniya ang NBI sakaling gustuhin ni Estrada na sa pasilidad nila makulong ang senador, subalit nasa pasiya ng Sandiganbayan kung saan siya iko-commit sa panahong dinidinig ang kaso.
- Latest






















