Sharon, nagluluksa na naman
Labis na ikinalungkot ni Sharon Cuneta ang pagpanaw ng film producer na si Antonio “Tony” Gloria, chairman and founder of production company Unitel/Straight Shooters.
Sa kanyang Instagram account, nagbigay ng madamdaming tribute si Megastar para kay Mr. Tony or Mr. G. as he’s fondly called.
Ayon kay Shawie naging mentor daw niya ito at co-producer sa pelikula ni Robin Padilla na La Visa Loca.
Pagre-recall pa niya, si Mr. G rin daw ang nagsulat ng memorable line niya sa pelikula niyang PS I Love You na “Love should not be a heavy feeling. It should not make you suffer. Love should make you happy. It’s a smile in the heart, it makes you come alive. Love makes you want to fly.”
Patuloy pa niya, “I filmed countless tv commercials at his Unitel Studios, including my very first one, Lemolime, when I was 13.
“He left Viva after “To Love Again,” & I really missed him and his huge but quiet presence. In 2003, he offered me the role of Stella Mate in UnitelPictures&Mark Meily’s ‘Crying Ladies.’ It quickly became one of my most favorites.”
Hanggang sa nag-produce na sila ng pelikula at balak pa raw sana nila na mag-produce ng marami pa.
“I have lost a Tito, a teacher, a mentor, advisor, &FRIEND. I will always,always miss you, my beloved Tito Tony,” bahagi ng mensahe ng pamamaalam ni Sharon.
Sumakabilang-buhay si Mr. Tony nitong nakaraang March 24 sa edad na 79, na kinumpirma ng kanyang pamilya.
BGYO, handa na sa mature concepts!
Isa ang BGYO sa featured artist ng Star Magic Spotlight press conference ng taon kung saan napag-usapan ang kanilang recent career milestone.
Ginanap ang event sa Coffee Project, Wil Tower, Quezon at napag-usapan ang kanilang tagumpay, lumalawak na presensya sa music stage at ang kanilang bagong music.
Kamakailan ay ni-launch ang grupo ang kanilang self-titled EP na may limang tracks, kasama na ang kanilang pinakabagong music video na Divine.
Nang tanungin kung handa na ba silang sumubok sa mas mature na concepts sa kanilang susunod na releases, sabi ni Nate, “We’re ready for anything, and we’re getting older din po so we should match our feelings sa music so that it’s really us, BGYO.”
Dagdag naman ni Mikki, “And also ilang years na rin kami (four years), nag-mature na rin kami when it comes to our music and how we present ourselves.”
Ibinahagi rin ng mga miyembro na open sila sa pag-explore ng ibang fields tulad ng theater arts, gaming, at acting.
Habang nagre-reflect sa kanilang experiences, sinabi ni Akira, “First time namin (siya at JM) mag-musical (2023) sa Tabing Ilog: The Musical, sana makapag-perform ulit (kami) sa theater arts.”
Nang tanungin tungkol sa kanilang pananaw sa mga bagong P-Pop groups, sinabi ni Mikki,
“Sobrang saya po, kasi when we started, konti pa lang. We were just so happy na there are a lot of artists that are trying to lift up OPM music around the world.”
Habang patuloy nilang pino-polish ang kanilang craft, nananatiling committed ang grupo sa pagkukuwento gamit ang musika. Sabi ni Mikki, “More music, more performances.”
Mukhang isa ang 2025 sa pinaka-exciting na taon para sa BGYO. Lumalakas ang kanilang fanbase at ramdam ang growth nila bilang performers na tiyak na mas aabangan pa ng lahat.
- Latest