Carlos at Chloe, may bahay na agad sa malamig na lugar

Ang bongga-bongga naman ni Carlos Yulo.
Nabalitaan ko na nai-turnover na sa Paris Olympic medalist ang susi ng kanyang bagong tahanan sa Tagaytay City na malamig ang klima.
Ang chikang nakarating sa akin, nagkakahalaga diumano ito ng P15 milyon.
Base sa ipinakita sa aking photos, may dalawang palapag ang bahay ng double Olympic champion sa gymnastics.
Pero sa totoo lang, mas bongga ang jowa niyang si Chloe San Jose. Tiyak na may bahay na agad silang titirhan oras na magkaanak sila.
Eh kaka-birthday lang ni Chloe at binati pa siya ni Carlos ng “Happiest Birthday para sa napaka espesyal na tao sa buhay ko @chloeanjeleigh
“Maraming salamat palagi sa walang sawang suporta, tiwala, kaligayahan at pagmamahal na binibigay mo sa buhay ko.
“Ang hiling ko sa Panginoon ay magkaroon ka ng maayos at malusog na pangangatawan. Masaya at maaliwalas na buhay kasama ako hehe. Nawa’y matupad lahat ang mga hiling at pangarap mo. Asahan mong nasa tabi mo lang ako palagi, papahalagahan at mamahalin ka ng sobra.
“Muli, mula sa puso ko mahal na mahal kita MAHAL KO.”
Ang haba ng hair niya. ‘Yun lang masasabi ko.
Pero seriously, bongga si Carlos na talagang pinanindigan si Chloe at hindi pinansin ang mga hanash ng pamilya tungkol sa kanilang relasyon.
Dumami nawa ang kanilang lahi.
Actress, nakakaloka ang hanash sa diyaryo
Naloka ako sa isang aktres Salve, na nagtatanong kung may diyaryo pa ba.
Kaloka siya dahil buhay na buhay pa ang diyaryo noh. At sa katunayan, araw-araw akong nagbabasa ng diyaryo, Pilipino Star NGAYON at Pang Masa. Siyempre nagsusulat ako rito.
At enjoy akong magbasa. Kaya ‘wag siyang umarte at magtanong sa kanyang show kung may diyaryo pa.
Baka hindi niya alam na lahat ng diyaryo ngayon may online component na mas trending pa sa mga reader.
Kaya hinding-hinding-hindi ko babanggitin ang pangalan ng actress na ito.
Kala niya ha. Hahaha. Balita ko pa naman mabait siya.
Well, mag-research muna siya.
- Latest